-- Advertisements --

Dumarami na ang kaso sa United Kingdom ng B.1.617.2 coronavirus variant na unang nakita sa bansang India.

Ayon sa Public Health England (PHE) na mas marami ang itinakbo sa pagamutan matapos na ang mga ito ay dapuan ng nasabing variant.

Mas magdudulot aniya ito ng matinding sakit ang tinatawag na “Delta” variant kumpara sa B.1.1.7 na unang tinawag na UK variant o kilala na ngayon bilang “Alpha” variant.

Dahil sa nasabing pagtaas ng bilang ay marami ngayon ang kumukuwestiyon dahi sa plano ng UK na luwagan ang mga restrictions sa darating na Hunyo 21.

Paglilinaw naman ni UK Health Secretary Matt Hancock na kanilang pinag-aaralang mabuti ang nasabing kalagayan ng bansa bago ang Hunyo 21 kung tuluyan nga ba nilang luluwagan ang bansa.