-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nadagdagan ng 31 ang kaso ng COVID-19 delta variant sa Western Visayas.
Ayon sa Department of Health-Western Visayas Center for Health Development, sa 31 mga kaso, 19 dito ang nanggaling sa Antique, pito sa Iloilo Province, tatlo sa Iloilo City at dalawan naman sa Capiz.
Resulta ito ng 99 na ipinadalang samples sa Philippine Genome Center para sa genome sequencing.
Dahil sa naitalang panibagong kaso nga delta variant, inabisuhan ng DOH ang lahat ng local government units na magsagawa ng back tracing at contact tracing.