-- Advertisements --
Napilitang mag-emergency landing ang Delta flight matapos ang pananakit ng isang pasahero sa dalawang kapwa pasahero nito.
Galing ng Washington DC ang Boeing 757-200 at patungo sana sa Los Angeles subalit dahil sa insidente ay napilitan ang mga ito na mag-emergency landing sa Oklahoma City.
Sinabi ni Oklahoma City Police Captain Arthur Gregory na inatake ng suspek ang isang flight attendant.
Ibinalin pa ng suspek ang atensiyon nito sa isang pasahero na umaawat sa gulo.
Matapos ang paglapag ng eroplano sa Oklahoma ay agad nilang inaresto ang suspek.
Agad naman na bumalik sa biyahe ang nasabing eroplano matapos ang mahigit na isang oras na pagkakaantala.