Muling nakakuha ng gold medal si Filipino karateka James delos Santos.

Nakamit nito ang panalo sa First Inner Strenght Martial Arts International eTournament.

Tinalo nito si Nejc Sternisa ng Slovenia.

Ito na ang pangalawang gintong medalya na kaniyang nakamit ngayong taon na ang una ay noong 2021 SportsData eTournament World Series #1.

Nagtagumpay rin ang kaniyang kata student na si A-Isha LIm Hamsain ng MKKPI Fatima na nakakuha ng dalawang gold medals sa U16 at U18 divisions.

-- Advertisement --

Magugunitang noong nakaraang taon ay umabot na sa 36 na gintong medalya ang nakamit ni Delos Santos.