-- Advertisements --

Umarangkada na ngayong araw ang deliberasyon ng Kamara sa proposed P5.024-trillion proposed national budget para sa susunod na taon.

Uanang sumalang sa pagdinig ng House Committee on Appropriations ang Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Ayon kay Department of Budget and Managemetn (DBM) OIC Tina Rose Marie Canda ang huling full year budget ng Duterte administration ay nakatutok sa pagpapanatili ng legacy ng reporma sa bansa. 

Nakasentro rin aniya ang pondo sa susunod na taon sa COVID-19 response, pagbangon ng ekonomiya at infrastructure progam ng pamahalaan.

Una rito, umapela si House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap sa mga kalihim ng bawat kagawaran na personal sanang humarap sa paghimay ng pambansang pondo.

Kung maari ang iyong mga matatanda at maysakit na vulnerable sa COVID-19 lang ang makibahagi sa video teleconference.

Hiniling din nito ang pakikipagtulungan ng mga heads ng mga kagawaran na maaprubahan ang budget ng sakto sa oras.

Sa proposed 2022 national budget, ang social services sector ang makakatanggap ng pinakamalaking bahagi ng pondo na aabot sa P1.922 trillion. 

Dito nakapaloob ang para sa mga health related services tulad ng implementasyon ng Universal Health Care Act, pagbili ng COVID-19 vaccines, personal protective equipment (PPEs) at iba pang medical supplies. 

Nasa P252.4 Billion ang alokasyon para sa COVID-19 response activities at programs.