-- Advertisements --
PInili ni retired six-division champion Oscar De La Hoya si YouTuber-boxer Jake Paul na manalo sa laban niya kay dating UFC middleweight world champion Anderson Silva.
Magaganap ang laban ng dalawa sa darating na Oktubre 29 sa Gila River Arena sa Glendale, Arizona.
Si Silva ay mayroong tatlong panalo at isang talo na mayroong dalawang knockouts bilang professional boxer.
Naniniwala kasi ang dating Mexican boxing star na delikadong makalaban si Paul.
Nakikita nito ang pagpupursige ni Paul para maging magaling na boksingero.
Pinatunayan naman ng 47-anyos na si Silva na kaya pa nitong lumaban matapos na talunin noong nakaraang taon si dating world champion Julio Cesar Chavez.