-- Advertisements --
Muling magbubukas para sa mga motorista ang Del Rio Port of Entry sa Texas matapos ang isang linggong shutdown dahil sa pagbuhos ng migrants sa border ng Mexico.
Bubuksan ito dakong alas-4:00 ng hapon ng Sabado sa Texas.
Ayon sa US Customs and Border Protection (CBP), magsisimula namang buksan ang cargo traffic sa umag ng Lunes.
Noong Setyembre 17 nang isara ang sikat na port of entry na nagdudugtong sa Texas city ng Del Rio sa Ciudad Acuña, Mexico.
Bumuhos kasi doon ang mga migrants na karamihan ay Haitian at nagtayo ng mga makeshift camp sa ilalim ng international bridge habang hinihintay ang pagproseso sa kanilang mga dokumento para makapasok sa naturang estado.
Tinatayang aabot sa 14,000 ang bilang ng mga migrants na nasa lugar.