Humingi ng paumanhin si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ito ay matapos niyang ipakita ang isang text message na nagsasabing hinihimok daw ng alkalde ang iba pang kongresista na huwag sundin ang pronouncement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa speakership race.
Kagabi, Hulyo 9, ipinakita ni Defensor sa mga mamamahayag ang text message na aniya’y ipinadala sa kanya ng isang neophyte congressman mula Davao na masasabing “very close” daw sa presidential daughter.
Sa naturang text message, nais umano ni Sara na bumoto ang mga kongresista para sa speakership race ayon sa kanilang kagustuhan dahil ang kayang ama ay na “set up” lamang daw ng mga gahaman na Cabinet members na kaalyado ni Taguig City Rep. Allan Peter Cayetano.
“Hi sir! I have the go signal of Mayor Inday to publish. ‘Kaya nanawagan siya ngayon sa lahat ng mga Congressmen na bumoto ayon sa kanilang kagustuhan dahil ang kanya ama ay na set-up lamang ng mga gahaman na gabinete na kaalyado ni Cayetano.’ – Mayor Inday,” ang text message na natanggap ni Defensor.
Mariing pinabulaanan ng alkalde ang naturang text message at iginiit na ito ay “disinformation” lamang sabay apela kay Defensor na itigil na ang pang-iintriga.
Itinanggi naman din ni Defensor na ang naturang text ay nagmula sa isang kongresistang close kay Sara.
Ang pagkakabanggit aniya ng kongresista ay pagtukoy lamang sa meeting nila sa party-list coalition kung saan dalawang party-list congressman ay itinalakay ang pagsusulong pa rin ng Duterte Coation sa kanilang manor sa kabila ng endorsement ng Pangulo kay Cayetano.