-- Advertisements --

Binanatan ulit ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang mga samahan ng mga doktor at ang Department of Health (DOH) dahil sa panggigipit daw ng mga ito sa mga doktor na kasama sa pamamahagi ng anti-parasitic drug na Ivermectin noong Abril.

Pinuna ni Defensor sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability si Philippine Medical Association (PMA) president Dr. Leo Olarte at pati na rin ang DOH.

Masyado raw kasi aniyang ginigipit ng mga ito ang mga naksama nilang doktor noong idinaos nila ang “Ivermectin Pantry” noong nakaraang buwan.

Kabilang na rito ang pagsampa ng kaso laban sa mga doktor, na naglalayong tanggalan ang mga ito ng lisensya dahil sa pamamahagi ng Ivermectin sa mga tao.

Gayunman, iginiit ni Ong an kapag hindi rehistrado ang gamot ay hindi naman dapat nabasta-bastang ipe-prescribe ito sa mga pasyente. 

Hindi rin aniya nangangahulugan na kapag compounded ng isang laboratoryo ang gamot ay rehistrado na kaagad ang gamot.