-- Advertisements --
image 346

Hindi na sumalang sa matinding paggisa ng mga miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro at mabilis nang nakumpirma ang kaniyang ad interim appointment.
Mula sa House at Senate contingent, pawang magagandang remarks ang natanggap ng kalihim ukol sa kaniyang trabaho.
Labis naman itong ipinagpasalamat ng kalihim, kasabay ng pagsasabing malaking hamon ito para sa kaniya upang higit pang pagbutihin ang trabaho sa Defense Department.
Narito ang bahagi ng pahayag ni senate President juan Miguel Zubiri, para sa kumpirmasyon ni Sec. Teodoro.

Aminado kasi ang opisyal na malaki na ang pagbabago ngayon mula nang maging Defense secretary siya sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Pero paglilinaw ni Teodoro, wala namang madali kahit noon, pero mas challenging lamang ngayon dahil mas malaki ang pangangailangan para sa mas maigting na inter-agency cooperation at sustainability ng mga programang inilalatag ng DND lalo na sa mga isyu na kinakaharap ng pilipinas.
Kabilang na rito ang buong operasyon ng DND, Office of Civil Defense (OCD) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na apektado rin ng pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin, pati na ang halaga langis.
Bukod dito, inamin din ni Teodoro na mabigat ang hamon ng sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).
Gayunman, nagagalak umano siya sa ipinapakitang suporta ng mga kaalyadong bansa, lalo’t naging bukas na ang Pilipinas sa paglalahad ng tunay na sitwasyon sa bahaging iyon ng karagatan.