-- Advertisements --

Nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi niya dina-downplay o di binibigyang pansin ang bagong Coast Guard Law ng China.


Ang pahayag ng kalihim ay bunsod sa ginawang pagkastigo sa kaniya ni Senator Risa Hontiveros.

Ayon kay Lorenzana, hindi nito dina-downplay ang bagong batas ng China sa West Phl Sea, sa katunayan kaniyang hinihinok ang mga kababayan nating mangingisda na ipagpatuloy ang kanilang pangingisda sa ating exclusive economic zone o EEZ sa traditional fishing grounds.

Pagtiyak ng Kalihim, nakahanda ang militar na protektahan ang mga Pilipinong mangingisda at depensahan ang teritoryo ng bansa sa mga nagnanais na sakupin ito.

Una ng sinabi ni AFP Chief of Staff LtGen. Cirilito Sobejana na palalakasin ng militar ang pagpapatrulya sa tinaguriang disputed islands.

Tinawag ding “irresponsible” statement ng chief of staff ang pahayag ng China na kanilang paputukan ang mga foreign vessels na aaligid sa kanilang teritoryo lalo na sa West Phl. Sea.

Inatasan na rin ni Sobejana ang Western Command na dagdagan ang mga barko na magpapatrulya sa nasabing lugar.