Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na suicide bombing ang nangyaring pagsabog sa Jolo Cathedral noong Linggo ng umaga.

Ayon sa kalihim ito ay base sa ebidensyang nakalap ng mga awtoridad.

Magugunitang ang Pangulong Duterte ang unang naghayag na ang pambobomba ay gawa ng mag-asawang suicide bombers.

Kapwa naman sinabi ng PNP At AFP na hindi nila dinidiscount ang posibilidad nito.

Sinabi ni Lorenzana, heavily-guarded ang Mt Carmel Cathedral sa Jolo mula noong Augosto nang unang lumutang ang banta ng pagpapasbog sa naturang simbahan.

At maari aniyang nakalusot sa screening ng mga bag ang pampasabog kung ito ay nakatago sa katawan ng mga bomber.

Isa pa aniyang indikasyon ng suicide bombing ang narekober ng PNP na mga lasug-lasug na piraso ng katawan sa loob At labas ng simbahan na maaring galing sa 2 bombers.