-- Advertisements --

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenza na pupunta siya sa Europa sa darating na Setyembre.

Ang kanyang pagbiyahe ay para makapag-window shopping ng mga kagamitan na posibleng bilhin at magamit ng bansa para sa ikalalakas pa ng Armed Forces of the Philippines.

Kabilang sa bibisitahin ng kalihim na European country ay ang France, Spain, Portugal, United Kingdom at Czech Republic kung saan nakatanggap siya ng imbitasyon.

Ayon kay Lorenzana, may alok ang France na submarine, berko naman ang iniaalok ng Portugal at Spain, habang baril ang sa Czech Republic at United Kingdom.

Samantala, mariing itinanggi ni Lorenzana na tuluyan nang nawala sa Pilipinas ang sandy clay na isa sa tatlong sandbars malapit sa Pagasa island na tuluyan na ring inangkin ng China.

Ito’y batay sa naging pahayag ni Senior Associate Justice Antonio Carpio.