-- Advertisements --

delfin7

Hinimok ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang lahat ng kasapi ng defense at security sector na dumalo sa Asian Defense and Security (ADAS) 2022 exhibition sa World Trade Center, Pasay City na nagbukas kahapon April 27 na tatagal hanggang April 29,2022.

Ayon sa Kalihim mahalaga ang nasabing aktibidad upang maging “updated” sa mga pinakabagong “weapons systems” at kagamitang pandigma.

Si Secretary Lorenzana ang naging panauhing pandangal sa opening ceremony ng Asian Defense & Security (ADAS) 2022 exhibition.

“We encourage all personnel from the defense and security sectors to maximize this opportunity presented by ADAS 2022 to attend this highly significant event and update themselves on the latest weapon systems and equipment,” pahayag ni Secretary Lorenzana.

Kinumpirma naman ni Lorenzana na ang second horizon ng AFP modernization program ay matatapos na ngayong taon at ang third horizon ay magsisimula sa taong 2023.

“Marami tayong mga kahilingan at marami pa tayong hihingin. We are not asking for more but we are actually waiting for money. Our problem now is the funding for these acquisitions because we have already finished Horizon 2, we are now on Horizon 3,” wika ni Sec. Lorenzana.

delfin6

Samantala, nakiisa din ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nasabing aktibidad na pinangunahan mismo ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino.

Ayon kay Centino ang nasabing exhibition ay isang oportunidad para sa kanilang AFPs project evaluation teams na magsagawa ng assessment at mag evaluate ng mga suitable requirements para sa kanilang defense and security platforms, systems, at equipment.

Binigyang-diin ni Centino na malaki ang makukuhang benepisyo ng defense and security sector sa ADAS series lalo na sa ating mga policymakers.

“By bringing the latest technologies from around the world to Manila, the exhibition has opened wider avenues for the professional training, education, and enhancement of personnel competencies and skills,” pahayag ni Gen. Centino.