-- Advertisements --

Mariing pinabulaan ni France Defence Minister Sebastien Lecornu ang mga alegasyon na nagsu-supply umano ang kanilang bansa ng mga armas para sa Israeli army sa tumataas na tensyon sa pagitan ng Israel at Hamas.

Batay kase sa isang investigative website, ang kumpaniya na nakabase sa Marseillie France ay nagbenta umano sa Israeli forces ng M27 links at metal pieces na ginagamit para ikabit sa mga machine gun.

Kasabay nito may inilabas rin na mga larawan ng naturang links na umano’y kinuhanan noong Oktubre 23, ilang linggo lamang matapos mangyari ang marahas na pag-atake at putukan noong Oktubre 7, 2023 sa Gaza.

Iginiit naman ni Lecornu sa isang pahayag sa Paris na ang lisensya ng Eurolinks na mag export sa Israeli film na IMI Systems ay sumasaklaw lamang sa muling pag export sa mga third counties at hindi nakalaan para sa Israeli army.

Samantala, hanggang ngayon patuloy pa ring kinukumpirma ang naiulat na shipment sa nasabing bansa.