-- Advertisements --

Lumobo na sa kabuuang 4,490 ang opisyal na bilang ng mga nasawi sa tumamang magkasunod na lindol sa Venezuela noong Hunyo 24.

Tumaas ang bilang nitong Linggo ng 150 kumpara noong Sabado, habang nasa mahigit 16,000 naman ang nasugatan.

Iniulat din ng Venezuelan government na mahigit 19,500 indibidwal ang pansamantalang nananatili sa mga camp kasunod ng matinding pinsalang iniwan ng malalakas na lindol.

Inihayag naman ni National Assembly President Jorge Rodriguez, kapatid ni interim leader Delcy Rodriguez, na sisimulan na ng gobyerno ang pagbibigay ng mga apartment sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa mga susunod na linggo.

Kinumpirma naman ni Foreign Minister Yvan Gil, na dumating na sa bansa ang aid shipment mula sa Russia.

Habang nagpadala ang Embahada ng Amerika ng 100,000 aid kits sa mga apektadong komunidad.