
Sumampa pa sa 162 ang bilang ng mga namatay sa nakalipas na pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon sa panibagong incident report na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 132 dito ang kumpirmado habang nasa 30 katao na nasawi naman ang kasalukuyan pang isinasailalim sa validation.
Karamihan na nasa 66 katao ang mga nasawi mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), 37 sa Western Visayas, habang may 33 naitalang nasawi sa Calabarzon, Eastern Visayas (5), Zamboanga Peninsula at sa Soccsksargen(tig-4), Cagayan Valley at Mimaropa (tig-3), at tig-2 mula sa Central Luzon, Bicol region, Central Visayas at isa naman sa Cordillera Administrative Region.
Ayon sa NDRRMC nasa 29 ang kasalukuyan pa ring nawawala habang nasa 270 katao ang nagtamo ng injuries.
Sa sektor naman ng agrikultura, nasa P6.4 billion ang napinsala habang nasa P5.6 billion naman sa sektor ng imprastruktura.









