Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na sumampa na sa 10 ang naitalang nasawi sa malakas na lindol na tumama sa ilang lugar Luzon nuong Miyerkules.
Batay sa ulat na inilabas ng NDRRMC ngayong araw ng Linggo, bukod sa 10 nasawi, nakapagtala din sila ng 375 katao na nasugatan kung saan karamihan dito ay mga babae na may edad 25-anyos hanggang 60 years old.
Nasa mahigit 314,000 indibidwal mula sa tatlong rehiyon ang apektado n malakas na lindol.
Ayon kay NDRRMC Executive Director USec. Ricardo Jalad nasa 34,291 katao ang na-displaced, nasa mahigit 3,800 ang nananatili ngayon sa 42 evacuation centers.
Iniulat din ng ahensiya na nasa 21,890 kabahayan ang nasira kung saan karamihan dito ay partially damaged.
Sa ngayon nasa 43 roads at pitong tulay ang nasira subalit 84 percent na sa mga ito ay passable na sa lahat ng mga sasakyan.
Sa 48 na bayan at siyudad na nawalan ng power supply matapos ang malakas na lindol ay mayruon ng electricity.
Nasa 27 na mga lugar ang isinailalim ngayon sa state of calamity.
Umabot na rin sa P414.2 million ang pinsala na naitala sa imprastraktura.
Nasa P11.6 million na halaga ng tulong ang naipamahagi na ngayon ng gobyerno.