-- Advertisements --

Pinalawig ng Department of Finance (DOF) ang deadlines sa pag-avail ng Tax Amensty on Delinquencies (TAD) at Voluntary Assessment and Payment Program (VAPP). 

Sa inilabas na Revenue Regulations (RR) Nos. 32-2020 at 33-2020 ng DOF, pinalawig ang deadlines sa pag-avail ng TAD at VAPP hanggang Hunyo 2021.

Mababatid na ang orihinal na deadline para rito ay sa Disyembre 31, 2020, base sa nakatakda sa ilalim ng RR No. 15-2020.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng DOF na mahigit P200 million na ang nakolekta ng BIR mula sa tatlong buwan na implementasyon ng VAPP.

Karamihan sa mga applicants ay mga small business taxpayers na nais ayusin ang kanilang 2018 tax liabilities, ayon sa DOF.