-- Advertisements --

Pinalawig ng Civil Service Commission (CSC) ang deadline sa filing ng Statement  of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga public employees at officials dahil sa COVID-19 pandemic.

Base sa Memorandum Circular No. 13 na nilagdaan ni CSC Chairperson Alicia dela Rosa-Bala, ang panibagong deadline ay sa Agosoto 31 na, o 60 araw matapos ang orihinal na deadline na sa Hunyo 30.

“All public officials and employees are given additional period of sixty (60) days from June 30, 2020, the last day of filing of the SALN, or until August 31, 2020, to file their SALN with their respective departments, offices, or agencies, unless the circumstances require otherwise,” bahagi ng memorandum ng CSC.

Bukod dito, sinabi rin ng CSC na pinapayagan na ang online oath taking gayundin ang online filing, alinsunod na rin sa stay-at-home policies at distancing protocols ng pamahalaan dahil sa COVID-19 pandemic.

Para magawa ito, maaring isagawa na lamang sa pamamagitan ng video conferencing ang pag-administer sa taong magdedeklara ng kanyang SALN.

“Upon collation of the SALNs, the concerned department, office or agency has the option to submit/transmit the collated SALNs with the proper repository either physically or electronically,” paliwanag ng CSC.

“The concerned department, office or agency shall exercise only one option in submitting the SALNs, not a combination of both, in order to facilitate centralized recording and monitoring by repository agencies,” dagdag pa nila.