-- Advertisements --
sim card

Maaaring ipag-utos ng Department of information and Communications technology (DICT) na palawigin pa ang deadline para sa pagpaparehistro ng SIM cards.

Ito ang naging pahayag ng dating National Telecommunications Commission deputy commissioner at kasalukuyang NTC consultant Edgardo Cabarios.

Aniya ang mga may existing SIM cards ay may 180 araw para magparehistro ng kanilang sim card number o hanggang April 26, 2023 mula sa effectivity ng SIM Card Registration Act. Subalit maaari ding ipag-utos ng DICT na palawigin pa ito ng panibagong 120 araw.

Ito ay kasunod na rin ng paglalabas ng implementing rules and regulation ng Sim card registration act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong Oktubre.

Simula kasi sa Disymebre 27 ay sisimulan na ang pagbebenta ng SIM cards na nasa deactivated mode at bubuksanm ang online portals para sa registration.

Saad nito na mahabang panahon na ito upang makapagparehistro ang mga existing prepaid SIM users na hindi nakarehistro na aabot sa 150 million.