-- Advertisements --

Umaasa ng agarang tugon mula sa korte ang kampo ni opposition Sen. Leila de Lima, kaugnay ng kahilingan nito na makita man lang ang inang nasa kritikal ang kondisyon dahil sa karamdaman.

Isinumite nito ang mosyon sa Muntinlupa City RTC Branch 26, kung saan nakabinbin ang kaniyang mga kinakaharap na kaso.

Hiling ng kampo senadora na payagan siyang makauwi, ngunit dahil sa pandemya, hinimok na lang nilang payagan sila ng hukuman na makapag-video call sa kanyang 89 taong gulang na ina.

Nabatid na nananatili ang ina ni De Lima sa isang ospital sa Iriga City, Camarines Sur matapos magpositibo sa COVID-19.

Pakiusap ng mambabatas, makita man lang sana niya ang ina kahit sa simpleng paraan at magkaroon sila ng pribadong panahon para sana makapag-usap.

Ang senadora ay kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame, mula nang ito ay sumuko sa mga otoridad noong 2017 dahil sa mga inaakusang drug related cases.