-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Budget and Management ang sapat na pondo na maaaring gamitin ng pamahalaan sa pagtugon sa anumang magiging epekto ng Supertyphoon Mawar.
Ayon kay DBM Sec Amenah Pangandaman, mayroon pang P18.3Billion na calamity funds, na maaaring gamitin.
Kasama rin dito ang P1.5Billion na hindi nagamit mula sa pondo noong nakalipas na taon, na maaaring magamit sa kabuuan ng 2023.
Pagtitiyak ng kalihim na naka-alerto na ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan, lalo na ang mga LGU, para sa rescue at relief operations na maaaring kakailanganin.
Maaari na ring gamitin aniya ng mga LGU at mga government agencies ang kanilang Quick Response Fund para sa pagtugon sa pangangailangan ng mga residenteng maaaring maapektuhan.