Inanunsyo ngayon ng Department of Budget and Management (DBM) na simula sa Lunes, Agosto 2, hanggang sa Agosto 13, 2021 ay naka-medical leave si Secretary Wendel Avisado.
Sa isang statement, sinabi ng DBM na ang nakatakdang pagpahinga ni Avisado ay kasunod na rin nang pagkaka-ospital niya kamakailan sa loob ng walong araw at quarantine ng mahigit isang buwan dahil sa COVID-19.
Ayon sa DBM inabisuhan din si Avisado ng mga doktor nito na sumailalim sa maraming pagsusuri dahil 14 taon na rin ang nakalipas nang sumalang siya sa quadruple heart bypass.
Para naman matiyak ang tuloy-tuloy na trabaho sa DBM, tatayo pansamantala si Undersecretary Tina Rose Mari Canda bilang Officer-in-Charge habang naka-medical leave si Avisado.
“Rest assured that the DBM remains steadfast and committed to its mandate of promoting the efficient and effective management of the national budget to support its budget priorities especially in the midst of the pandemic,” saad ng DBM.