-- Advertisements --
Plano ng Department of Budget and Management (DBM) na gamitin ang humigit-kumulang P20 billion mula sa Malampaya gas project upang pondohan ang bulk oil purchases bilang tugon sa epekto ng krisis sa Middle East.
Ayon kay Acting Budget Secretary Rolando Toledo, may nakalaan nang kabuuang P210 billion mula sa kasalukuyang pondo ng pamahalaan, kabilang ang bahagi ng General Appropriations Act (GAA). Kapag naisama ang Malampaya fund, aabot ito sa P230 billion ang posibleng magamit para sa crisis response.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DBM sa Department of Energy upang maisakatuparan ang naturang plano.
Samantala, patuloy na nakatutulong ang Malampaya project sa kita ng bansa, na umaabot sa higit $13.9 billion, ayon sa Prime Energy.
















