-- Advertisements --

Isiniwalat ni Budget Secretary Wendel Avisado na may itinabing P66 million mula sa prposed national budget sa taong 2021.

Ito ay bilang alokasyon para sa paglahok ng Pilipinas sa solidarity trials ng possible COVID-19 vaccine.

Sa unang araw ng national budget deliberations ng House of Representatives, kaagad kinuwestyon ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin kung bakit hindi sponsoran ng mga mayayamang bansa ang gagawing solidarity trial dito sa Pilipinas.

Aniya hindi mayamang bansa ang Pilipinas. Maaari umanong ipaubaya na lamang ito sa mga eksperto, technical experts bilang kontribusyon dahil kahit pa raw pumasa ang bakuna ay kakailanganin pa rin ng bansa na magbayad para makakuha ng doses nito.

Pagtatanggol ni Avisado, parte ito ng kasunduan ng mga bansa para mas mapabilis ang paghahanap o paggawa ng posibleng gamot kontra COVID-19.

Para naman sa healthcare sector, ang tulong pinansyal ay ibibigay sa National Health Insurance Program, medical assistance para sa mga mahihirap na pasyente, human resources para sa health program, at pati na rin ang health facilities enhancement program.