Nakapagpalabas na ang Department of Budget and Management ng P8.4billion na pondo, para sa mga nabiktima ng nagdaang bagyong Egay at mga labis na pag-ulan.
Ayon kay Sec. Amenah Pangandaman, ito ay upang lalo pang mapabilis ang pagbangon ng mga residente, at mga LGU na labis na naapektuhan.
Paliwanag ng Kalihim, galing ang pondo sa P20.5 billion ng General Appropriations Act of 2023. Ang nasabing pondo ay nasa ilalim ng national Disaster and Risk Reduction Management Fund.
Magagamit naman ang nasabing pondo para sa rehabilitasyon ng mga LGU, kasama na ang pagtulong sa mga residenteng apektado.
Sa kasalukuyan, mayrooon pang labindalawang bilyong pisong pondo ng nasabing konseho, para sa nalalabing anim na buwan ng 2023.
Umaasa ang DBM na hindi na masusundan pa ng mas malakas na bagyo ang bansa, upang mapag-kasya pa ang natitirang pondo na nasa ilalim ng konseho.










