Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P105.6 bilyon para sa state universities and colleges (SUCs) sa ilalim ng panukalang P5.768-trillion National Expenditure Program para sa 2024.
Sa isang pahayag, sinabi ng DBM na susuportahan ng alokasyon ang libreng tertiary education sa state universities and colleges.
Una nang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng pag-access sa libreng tertiary education para sa mga Pilipino dahil karamihan sa mga institusyong pang-edukasyon ay nagsasagawa na ng full face to face classes.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandman, sa kanyang bahagi, kasabay ng pagpapahayag ng Pangulo, kasabay ng pagpapalakas ng ekonomiya, ang departamento ay mamumuhunan din ng malaki sa human capital development sa pamamagitan ng edukasyon, kalusugan, at panlipunang proteksyon.
Sa kabuuang alokasyon, sinabi ng DBM na P21.7 bilyon ang ilalaan sa 116 SUCs sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) program na ginagarantiyahan ang libreng tertiary education sa 3,145,098 na mag-aaral sa buong bansa.
Sinabi ng DBM na ang proposed Universal Access to Quality Tertiary Education budget para sa SUCs ay nadagdagan ng halos P3 bilyon o 14.32% na mas mataas kumpara sa P18.8 bilyon na badyet mula sa Fiscal Year 2023’s National Expenditure Program.
Iginiit ng DBM na ang mga state universities and colleges ay makakatanggap din ng P3.4 bilyon para sa kanilang mga proyektong pang-imprastraktura.