-- Advertisements --

Binalaan ng Department of Budget Management (DBM) ang publiko sa mga scammers na nagpapanggap na konektado sa kanilang opisina at nag-aalok ng proyekto sa gobyerno kapalit ang halaga ng pera.

Kasunod ito sa pagkakaaresto ng Nationa Bureau of Investigation (NBI) sa walong katao sa pamamagitan ng entrapment operations.

Base sa mga naaresto na nagpanggap ang mga suspek na sila ay konektado sa DBM kung saan nilapitan nila ang mga contractors at humingi umano ng P500,000 bilang suhol para makuha ang proyekto.

Nadiskubre lamang ang insidente ng berepikahin ng isa sa mga biktima sa DBM at nakitang hindi pala konektado ang suspek sa nasabing opisina.

Hinikayat ng DBM ang mga biktima na agad na isuplong sa kanilang opisina o sa mga otoridad sakaling may lumapit sa kanila na parehas na modus.