-- Advertisements --
image 242

Ipinagmalaki ng Department of Budget and Management (DBM) ang naging savings ng gobyerno na nasa mahigit P681 million bunsod ng “transparent procurement” ng kasalukuyang pinamumunuan ng Procurement Service-Department of Budget and Management o PS-DBM.
Ito ang sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman sa delibrasyon ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2024 National Budget.
Ayon sa Kalihim, ito na ang pinaka-mataas na naitalang halaga ng savings mula noong 2020.
Ang PS-DBM ay kasalukuyang pinamumunan ni Atty. Dennis Santiago.
Sinabi pa ni Pangandaman na malaking bahagi ng savings ay bunsod ng “bulk procurement” at market price monitoring and validation.
Matatandaan na ilang beses na nasangkot sa kontrobersiya ang PS-DBM. Kabilang dito ang kwestyonableng paglipat ng pondo ng Department of Health o DOH ng pondo sa PS-DBM para pambili ng COVID-19 supplies at equipment.
Isa pa ang isyu ng “overpriced laptops” para sa public school teachers ng Department of Education o DepEd.
Sa kabila nito, sinabi ng DBM na hindi sila pabor sa paglusaw sa PS-DBM at sa halip, iginiit na nagpapatupad na sila ng reporma para sa nabanggit na ahensya.