Hinimok ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga ahensya na palakihin pa ang kanilang disbursement at paggastos dahil nakapagtala ito ng budget utilization rate na 90% sa mga ahensya ng gobyerno.
Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, ang mga ahensya ng gobyerno ay nakamit ang 90% utilization rate mula enero hanggang Abril ngayong taon.
Aniya, ito ay makikita sa ulat sa paggamit ng mga notice of cash allocations (ncas) para sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan at suporta sa budget sa government-owned or -controlled corporations at mga local governement sa katapusan ng Abril.
Sinabi nito na ang 90-percent utilization rate ay katumbas ng p1.175 trillon ng mga notice of cash allocations na ginamit sa nasabing panahon.
Ang mga notice of cash allocations ay mga dokumento ng cash authority na inisyu ng DBM sa account ng mga ahensya o operating units sa pamamagitan ng mga awtorisadong government servicing banks upang masakop ang cash na kinakailangan ng mga ahensya para sa kanilang mga programa at proyekto.
Noong Abril 30, sinabi ng dbm na nakapaglabas na ito ng p2.982 trillon o 94.8% ng kabuuang budget sa iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan.
Sa kabuuan, naglabas ang dbm ng P4.518 trillion o 85.8% ng P5.268 trilyon na pambansang budget.