-- Advertisements --

Handa ang Department of Budget and Management (DBM) na humingi ng supplemental budget sa Kongreso para sa ayudang ibinibigay ng pamahalaan sa mga apektado nang nagpapatuloy na pagkalat ng COVID-19 at ang mahigpit na quarantine protocols na kaakibat nito.

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, sa ngayon ay inaalam din nila kung ano ang mga posibleng maging sources ng pondo para gamitin bilang supplemental budget o isang stimulus package.

Noong nakaraang taon, magugunita na tinanggihan ng DBN ang posibilidad na humingi ng supplemental budget para mapalakas pa sana ang funding requirements nang COVID-19 response at socioeconomic programs bunsod ang kawalan nang kita na maaring gamitin.

SInabi ni Avisado na nakatakdang magpulong ang Economic Development Cluster sa ikatlong linggo ng Abril para tukuyin ang mga “facts and figures” mula sa Department of Finance at National Economic Development Authority.

Dito na rin aniya nila malalaman kung ano ang available na pondo na maaring galawin ng DBM para mapondohan ang posibleng supplemental budget o ikatlong Bayanihan Law.

Sa ngayon, itinutulak sa Kamara ang P420-billion Bayanihan 3 Bill habang sa Senado naman ay ang P335-billion stimulus package.