Dumipensa ang Department of Budget and Management sa paglalan nito ng confidential at intelligence fund ng mga sa mga ‘civillian’ government agencies.
Batay kasi sa isinumite ng DBM na panukalang budget para sa 2024, nabigyan ng matataas na confidential at intelligence fund ang mga sumusunod na ahensiya:
1. Department of Information and Communications Technology: P300 million
2. Bureau of Customs: P30.5 million
3. Department of Foreign Affairs: P5 million
4. Department of Agriculture: P50 million
5. Department of National Defense: P60 million
6. Presidential Security Group General Headquarters: 60 million
7. National Security Council: P30 million
8. Office of the Pres’l Adviser on Peace Reconcialliation and Unity: P6 million
9. Office of the Ombudsman: P20.46 million
Paliwanag ni Sec Amenah Pangandaman, ang mahalaga ang confidential at intelligence fund upang magamit ng mga nasabing ahensiya para sa kanilang sariling surveillance activities.
Pinapayagan aniya ng batas na magkaroon ng ganitong pondo ang mga civillian agencies bilang suporta sa paggampan ng mga ito sa kanilang mandato at sa kanilang mga maayos na operasyon.
Samantala, maliban sa siyam na nabanggit na ahensiya, nauna nang dinepensahan ni Sec. Pangandaman ang mataas na confidential at intel fund ng Office of the President, Office of the Vice Presidente, at Department of Education.