Dumipensa si Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao sa isyu ng ovepriced personal protective equipment (PPE).
Ayon kay Lao, nasunod ang tamang procurement process sa pagbili ng mga kinakailangang PPE.
Nagkataon lang aniya na tumataas ang presyo kapag limitado ang supply ng mga ito.
Mahalaga rin umanong maisaalang-alang ang kalidad, bukod sa halagang binabayaran para sa mga ito.
Una nang sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na hindi bababa sa P1 billion ang nasayang na pondo ng gobyerno dahil sa pagbili ng overpriced PPE.
Ayon sa senadora, tatlong milyon mula sa kabuuang limang milyong binili ay nagmula sa Chinese companies.
Sa pagsusuri, lumabas aniyang P200 hanggang P500 ang higit na presyo nito, kung ikukumpara sa regular na halaga ng PPE.
Maliban sa mga PPE, binatikos din ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mahal na testing kits para sa COVID-19 patients at suspected patients.










