-- Advertisements --
Aabot sa P20 milyon halaga ng pinaniniwalaang shabu ang naaresto sa sa isang foreign national sa isang resort sa lungsod ng Las Piñas nitong Lunes ng gabi.
Isinagawa ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal drugs sa Brgy. Pamplona Uno.
Unang nakakakuha ng impormasyon ang ang mga otoridad na may dalang mahigit tatlong kilo ng iligal na droga ang suspek na nakalagay sa kanilang bag.
Hindi pa inilabas ng mga otoridad ang pangalan ng naarestong suspek kung saan bukod sa droga ay nahulian din ito ng ibang mga gamit at cash na aabot sa P10,000.