-- Advertisements --

Dawlah Islamiya ang tinukoy ng militar na nasa likod ng pagpapasabog sa isang bus sa Koronadal City kahapon kung saan dalawang indibidwal ang sugatan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Western Mindanao Command Spokesperson Maj. Andrew Linao, dalawang anggulo sa motibo ng pagsabog una extortion at pangalawa divertionary tactic dahil sa umaaray na ang teroristang grupo sa walang tigil na military operation ng militar.

” Yes yun ang initial na mga suspek natin, ongoing pa rin ang investigation, pati ongoing din ang ating combat operations, usually ganyan ang mga banat nila eh diversion,” pahayag ni Maj. Linao

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at tinutukoy na ng militar ang mga indibidwal na nasa likod ng pamomomba.

Giit ni Linao, mahalaga yung human factor yung mga nakakita o testigo sa insidente para mapadali ang pag identify sa mga suspek.

Sinusuri na rin ng mga imbestigador ang CCTV footage kung sino ang nag-iwan ng bagahe.

Sinabi ni Linao, batay sa inisyal na imbestigasyon ang IED o improvised explosive device na ginamit sa pagpapasabog ay trademark o gawa ng Dawlah Islamiyah terrorist group.

Siniguro naman ni Linao na hindi madi distract ang pokus ng militar sa mga ginagawa ngayon ng local terrorist group.

Binigyang-diin naman ni Maj. Linao na may mga hakbang ng ginagawa ngayon ang militar sa pakikipagtulungan ng PNP para maiwasan ang mga kahalintulad na insidente.

” Yes, sa ating mga kababayan maging mapagmatyag maging security concious lalo na pag sumasakay tayo sa mga public utility vehicle at bus at kapag may nakita na mga unatttended na mga gamit ay agad ipagbigay alam sa konduktor at driver para agad itong maaksiyunan.