-- Advertisements --

dawlasulkud

Patay ang isang Dawlah Islamiya sub-leader sa isinagasang operasyon ng militar at PNP sa Barangay Saliao, Esperanza, Sultan Kudarat.

Ayon kay Western Mindanao Command (WESMINCOM) commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., pinangunahan nang pinagsanib na pwersa ng 7th Infantry Battalion at Sultan Kudarat Police Provincial office ang law enforcement operation kung saan target ng operasyon si Jazzer Nilong a.k.a Khalid DI Nilong, kilalang sub-leader ng teroristang Dawlah Islamiyah.

Sinabi ni Vinluan naramdaman ng suspek na nagsasagawa ng surveillance operation ang mga sundalo at pulis, kayaagad itong pinaputok ang kaniyang armas.

Tumagal ng dalawang minuto ang sagupaan na naging dahilan umano sa agarang pagkamatay ng terorista.

Ayon naman kay 602nd Infantry Brigade commander Brig. Gen. Roberto Capulong, ang napatay na terorista ay may warrant of arrest dahil sa kasong frustrated murder.

Si Nilong ay sangkot sa GenSan bombing at pagpatay kay police Cpt. Herman Gabat.

Nakuha sa posisyon ni Nilong ang isang cal. 45 pistol Norinco na may magazine at apat na ammunition, isang piraso ng 60mm unfused mortar, isang rifle grenade, electric blasting cap, battery, improvised thrown ammunition, dalawang improvised non-electric blasting cap, apat fired cartridge case ng cal. 9mm, at dalawang heat-sealed sachet na naglalaman ng shabu.

Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng SOCO at EOD para imbestigahan ang insidente at ang pag-turn over sa mga narekober na mga pampasabog.

Siniguro naman ni 6th ID commander, M/Gen. Juvymax Uy na lalo pa nilang palakasin ang operasyon laban sa lokal na teroristang grupo.