-- Advertisements --
Pinatikim ni Gervonta Davis ang unang talo ni Ryan Garcia sa kanilang paghaharap sa 136 pounds catchweight na ginanap sa Las Vegas, Nevada.
Tuluyang pinatumba ni Davis ang Californian boxer sa ikapitong round.
Dahil sa panalo ay mayroon ng 29 panalo at wala pang talo si Davis na mayroong 27 knockouts habang si Garcia ay mayroong 23 panalo isang talo at 19 knockouts.
Sinabi ni Davis na naging sulit ang kaniyang ensayo dahil sa alam niya na lumakas ang kaniyang mga suntok.
Tiniyak naman ni Garcia na siya ay muling babalik at makikipag-rematch kay Davis.