DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao del Norte Governor Edwin Jubahib na matutuloy na ang pinapangarap na Davao-Samal bridge.
Ito’y matapos pumayag na umano ang isang pamilyang negosyante na madadaanan ng proyekto ang kanyang resort.
Ayon sa gobernador, nakausap na ang nasabing negosyante at wala nang problema rito.
Kaugnay nito, isasagawa ang ground breaking ceremony sa Hulyo 1 nitong taon o kasabay ang anibersaryo ng Davao del Norte.
Samantala, tiniyak ng opisyal na walang maaapektuhan na barge operator na may biyaheng Davao papuntang Samal dahil maaari pa rin na makapagpatuloy ang mga ito sa kanilang operasyon.
Ito’y lalo na’t may parte ng isla ang nangangailangan ng barge gaya na lamang ng Mati, Governor Generoso at Kaputian.
Sakaling maitayo na aniya ang tulay, madali na lamang ang pagtawid sa isla at mas mapapalago pa ang turismo sa lugar.
Una nang napag-alaman na magsisimula sa Azuela Cove sa Lanang nitong lungsod ang tulay patawid sa Caliclic Island Garden City of Samal na pinondohan ng P20 bilyon.