-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Memorandum No. 34, s-2020, na hindi na matutuloy ang lahat ng mga aktibidad sa mga paaralan sa rehiyon.

Kabilang dito ang Regional Palaro (Regional Athletic Meets) dahil pa rin sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Kung maaalala, nakatakda sanang isagawa ang Davao Regional Athletic Association (DAVRAA) Meet sa darating na April 1-7 sa Davao de Oro.

Base sa inilabas na direktiba ng DepEd, ito ay para makaiwas ang mga estudyante sa posibleng pagkalat ng nasabing virus.

Maliban sa DAVRAA, sakop din ng suspensiyon ang mga regional activities na dadaluhan ng mga estudyante, gayundin ang mga aktibidad ng mga guro na kailangan bumiyahe, at congregation sa iba’t ibang paaralan at division.

Nabatid na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpalabas ng direktiba laban sa COVID-19.