Sumakabilang buhay na si Davao Oriental Governor Corazon Malanyaon sa edad na 73 taong gulang.
Ito ang inianunsyo ng lokal na pamahalaan ng Davao Oriental kasunod ng naging kumpirmasyon ng anak mismo nito.
Si Malanyaon ay ipinanganak at lumaki sa bayan ng Cateel, at nagsilbi bilang isang abogado, certified public accountantm at propesor bago nito tuluyang pasukin ang pulitika noong taong 1986.
Kaugnay nito ay nagpahayag naman ng pakikiramay at pagdadalamhati sa naiwang pamilya at kaanak si Mati Mayor Michelle Rabat kasabay ng kaniyang pagkilala sa kaniya bilang isang mapag-alaga, at mapagmahal na ina na isa ring tagapaglingkod sa bayan.
Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa inilalabas ng kaniyang pamilya ang iba pang detalye sa kaniyang pagpanaw at gayundin ang magiging burol at petsa kung kailan ito ililibing.