-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inaalam na ngayon ng Provincial Government ng Davao Oriental ang naitalang danyos sa lalawigan matapos ang pag-landfall kahapon ng bagyong Vicky sa ilang bahagi ng Mindanao.

Kung maalala isa ang Bangaga sa Davao Oriental sa mga naapektohan dahil nasa nasabing lugar ang Saug river na siyang dahilan ng malawakang pagbaha dahil sa walang tigil na pag-ulan nitong nakaraang araw o bago nag-land fall ang bagyong Vicky.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Asuncion Davao del Norte Mayor Eufracio Dayaday Jr., malawakang pagbaha na lamang ang kanilang nararanasan at hindi na nasundan ang malakas na pag-ulan simula kahapon.

Naniniwala naman ang opisyal na agad huhupa ang tubig baha sa kanilang lugar at hinihintay na lamang nila ang report kung may naitalang pinsala sa impratraktura at agrikultura sa kanilang lalawigan.

Aasahan naman na tuloy-tuloy na ang magandang panahon simula ngayong araw matapos na nasa Caraga Region na ang direksiyon ng bagyo.

Una na rin na sinabi ni Mayor Dayaday na may mga residente na dinala sa evacuation center lalo na ang mga nasa low lying areas ngunit nasa mabuti naman ang sitwasyon ng mga ito.

Magbibigay na lamang umano sila ng tulong sa mga apektadong residente bago ito pababalikin sa kanilang mga bahay.