-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang Davao Occidental.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) naganap ang pagyanig dakong 4:48 ng umaga nitong Martes.

May lalim ito ng 76 kilometers at ang sentro nito ay sa munisipalidad ng Sarangani.

Naramdaaman ang Intensity 4 sa Malungon, Alabel at Kiamba, Sarangani.

Hindi naman nagtaas ng tsunami alert ang Phivolcs matapos ang nasabing lindol.