Ikinabahala ng OCTA Research group ang pagkabilang sa mga areas of concern ang mga siyudad ng Davao, Iloilo, Baguio, at San Fernando sa La Union dahil sa pagtaas na naman ng bilang ng mga bagong nahahawa sa COVID1-9.
Liban nito natukoy din ang high hospital bed occupancy rates sa mga nabanggit na mga lugar dahil sa pagdami ng mga pasyente.
Sa bagong monitoring ng independent team of experts kanilang iniulat na wala pa ring tigil ang surge ng COVID cases sa Davao City.
Napag-alaman din nila na ang siyudad ng Davao ang may highest daily average sa buong bansa kung saan umaabot ang reproduction number sa 1.41.
Ang ibig daw sabihin ng reproduction number ng one or mahigit pa ay indikasyon na tuloy tuloy ang COVID transmission.
Inihalimbawa pa ng research group na ang Davao City ay nag-a-average ng 324 new cases kada araw mula June 25 hanggang July 1.
Ito ay pagtaas ng 43% mula noong nakalipas na linggo.
Habang nasa 66% din ang mga hospital beds utilization at nasa 89% na sa intensive care unit (ICU).
Ganon din naman sa Iloilo na may pagtaas na naman sa mga infections na dati ay pababa na sana.
Nasa 78% ang gamit sa hospital beds at 94% naman ICU beds ang mga okupado.