DAVAO CITY – Niyanig ng malakas na lindol ang probinsiya ng Davao del Sur.

Batay sa ilibas na data ng Phivolcs, naramdaman ang 5.2 magnitude na lindol alas-2:16 kaninang madaling araw.

Naitala ang epicenter nito sa silangang bahagi ng bayan ng Kiblawan, Davao del Sur at mayroong lalim na 19 kilmetros

Samantala, naitala rin ang intensity 4 sa mga bayan ng Magsaysay at Bansalan, Davao del Sur, Intensity IV – Kidapawan City; Tupi, South Cotabato; Malungon, Sarangani, Intensity II – Alabel, Sarangani; General Santos City; at Intensity I sa Kiamba, Sarangani

Sa kabilang dako, dalawang beses dinng niyanig lindol ang probinsiya ng Davao Oriental kaninang madaling araw.

Pero inihayag ng Phivolcs na walang natamong danyos dahil nasa magnitude 2.2 at 2.3 magnitude lamang ang naramdaman ng bayan ng Cateel, Davao Oriental.