-- Advertisements --
DAVAO CITY – Idineklara na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpalit ng pangalan ng Compostela Valley (ComVal) sa Davao de Oro.
Ito’y matapos manalo ang “yes” vote kasabay ng isinagawang plebisito sa lalawigan nitong nakaraang araw.
Nabatid na 410,261 ang registered voters sa lalawigan, at nasa 179,958 ang bumoto nitong nakaraang araw o 43.86% turnout.
Base sa final at official votes na nabilang, nasa 174,442 ang bumoto ng “yes” habang 5,020 ang sa “no.”
Ikinatuwa naman ng mga residente sa lalawigan ang nasabing deklarasyon dahil magiging daan umano ito para sa malaking pagbabago at mas makilala pa ito sa ibang lugar.
Makakatulong din aniya ito para mapalago pa ang ekonomiya at turismo sa lalawigan.