-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nangunguna pa rin ang Davao sa mga siyudad sa bansa na nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Sa datus na inilabas ng OCTA Research Group mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 5, nasa 303 average ang mga bagong COVID positive cases bawat araw kaya nananatili ring “high risk” area ang siyudad.
Ang pagtaas ng kaso ng mga nahawa ng COVID sa lungsod ay bunsod ng mas pinaigting na community surveillance swabbing lalo na sa mga sektor na mataas ang exposure sa nasabing virus.
Maliban sa Lungsod ng Davao, nasa high-risk rin ang iba pang siyudad sa bansa gaya ng Bacolod City, Iloilo City, General Santos City, Baguio City, at Tagum City.