-- Advertisements --
DAVAO CITY – Naghahanda na ngayon ang Davao City LGU para sa mga hakbangin kung sakaling makakapasok sa lungsod ng Dabaw ang Monkeypox Virus.
Inihayag ni Davao City Covid 19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser, kahit wala pang naitalang kaso ng naturang sakit ang bansa, kailangan nang maghanda upang kaagad na maagapan kung sakaling magkaroon na ng kaso nito ang lungsod.
Dagdag ni Schlosser na plano ng lokal na pamahalaan na gamitin ang covid cluster clinics para sa posibling mga Monkeypox patients.
HIndi lamang umano para sa exclusive para sa mga covid 19 patients ang CCC kung hindi para rin umano ito sa iba pang mga emerging diseases gaya ng Monkeypox.