Sinampahan na ng kasong second-degree manslaughter ang pulis na nakapatay sa motoristang Black-American sa Minnesota.
Ayon sa mga prosecutors, hinuli at kinulong ng mga otoridad si Officer Kim Potter.
Batay sa depensa ni Potter, aksidente lang ang pagkakabaril nito sa 20-anyos na si Daunte Wright dahil imbes na taser ang kaniyang nagamit ay baril ang kaniyang nabunot.
Iginiit naman ng family lawyer ng pamilya ng biktima na si Ben Crump na ang pagpatay sa binata ay intentional, deliberate at unlawful use of force.
Wala raw kahit anong kaso ang pwedeng isampa kay Potter na magpapanumbalik sa buhay ng biktima.
Hindi rin aniya kapani-paniwala na ang isang 26-year old veteran na pulis ay hindi alam ang pagkakaiba sa pagitan ng taser at baril.
“While we appreciate that the district attorney is pursuing justice for Daunte, no conviction can give the Wright family their loved one back,” saad ni Crump.
Kapwa nagbitiw sa tungkulin sina Potter at Police Chief Tim Gannon. Nagbunsod naman sa ilang gabing kilos-protesta ang pagkamatay ni Wright.
Ang kaso na hinaharap ngayon ni Potter ay may sentensya na hindi bababa ng 10 taong pagkakakulong at $20,000 o halos isang milyong pisong multa.