-- Advertisements --
Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang bomb maker at expert ng Daulah Islamiya sa Carmen, North Cotabato.
Ito’y sa gitna ng panawagan sa mga rebelde at lokal na terorista na sumuko na.
Hindi pinangalanan ang sumuko pero ayon sa ulat mula kay Major General Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central at 56 Infantry Division, kasama sa high value target ang sumukong DI.
Kasabay ng pagsuko ng sarili, isinuko rin ng DI ang kanyang mga armas sa militar.
Ayon kay Uy, ie- enroll ang sumuko sa DIWATA HAVEN o Dapat Iwaksi at Wakasan ang Terorismo at Armadong Pakikibaka – Hadlangan ang Violent Extremism Program sa North Cotabato.
Ang nasabing surrenderee ay makakatanggap ng livelihood package at tulong pinansiyal mula sa gobyerno.